Darating din ang araw, na tayo ay tatanda. Kukulubot ang mga balat at puputi ang buhok. Kung iisipin, sobrang bilis ng panahon, kaya’t lasapin mo na ang mga natitirang sandali mo sa mundo. Tikman mo ang masasarap na gunitang maiibigay ng ating mundo, kundi baka matutulad ka sa kanila . . .
Tumitindig ang balahibo ko!
Ang bawat bata ay nangangailangan ng malinis na kapaligiran, maayos na edukasyon at pamilyang magmamahal sa kanila. Ngunit paano makakamit ng isang kabataan ang kalayaan ng kaginhawaan kung kahit sarili niyang bansa ay hindi ito makamtan? Kung iisipin natin, tayo lang rin ang may dahilan kung bakit maraming kabataan ang nagsasakripisyo upang mabuhay. Ayon sa International Labor Organization, mayroong 218 na milyong bata ang nagtatrabaho sa buong mundo. Isipin mo na lamang kung gaano kadaming bata ang nahihirapan imbes na magsaya kasama ang mga kaibigan. Sa kanilang mga sitwasyon mga asada at pala ang kanilang dala-dala at kung minsan mga katawan pa nila ang pinaglalaruan! Nakakakilabot, nakakatakot, pero iyon ang totoo. Kung sa kamusmusan pa lamang ay winawaldas na ang kanilang pagkatao, paano pa kaya kung sila ay tumanda? Magiging mundo ito ng prostitusyon . . .
Magpakit-bisig tayo!
Ang lahat ng bagay ay may sadyang dahilan, na maiintindihan at maiipaliwanag ng tao. Mula sa pagtubo ng mga puno o ang paghimig ng hangin. Ngunit ang child labor? Oo, kayang maipaliwanag ngunit mahirap intindihin. Ilan dito ang mga sumusunod:
1. Kahirapan at kawalan ng trabaho
2. Kakulangan sa libreng edukasyon
3. Ang mga batas na naipatupad ay kalimitang hindi nasusunod
4. Hindi natututukan ng maayos ang kabataan
5. Mga utang na hindi kayang mabayaran
Marahil ay naiintindihan ito ng mga ilan, ngunit bakit kailangan pa nating intindihin? Hindi ba pwedeng kumilos na lamang tayo upang makamtan ang isang mapagmalasakit na mundo? Paano kaya natin makakamit ang pagkakabit-bisig ng bawat tao upang itaguyod ang ating mundo sa pedestal ng kaginhawaan at kapayapaan?
Gupitin ang tali ng tadhana!
Kahit buhay man, matatapos din. Hindi imposible na tapusin ang child labor. Kung magtutulungan at magkakaisa tayo, maaabot natin ang pangarap ng bawat nilalang dito sa mundo, ang kapayapaan.
2. Mabigyan ng sapat na edukasyon ng gobyerno ang bawat kabataan
3. Magtutulungan ng bawat sektor ng gobyerno at maging ang ordinaryong mamamayan
4. Pagpaplano ng pamilya
Madali lamang ito. Konting disiplina na hinaluan ng pagtutulungan at determinasyon lang ang kailangan! Magtulungan tayo at gupitin ang taling nakapulupot sa ating mga kabataan!
Mabilis lamang ang panahon, at hindi natin mamamalayan, natapos na natin ang kahirapan at kamang-mangan. Wala nang batang nagtatrabaho, wala nang inaabuso at higit sa lahat wala nang matutulad sa kanila . . .
Mga Pinagkuhanan:
Mga Litrato:

